CAPEX Cargo Padala Express International Online Chess Open tutulak na

CAPEX Cargo Padala Express International Online Chess Open tutulak na

CAPEX Cargo Padala Express International Online Chess Open tutulak na

CAPEX Cargo Padala Express International Online Chess Open tutulak na

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Manila---Tutulak na ang CAPEX Cargo Padala Express International Online Chess Open Chess Championship sa lichess.org sa Sabado, Setyembre 5, 2020 ganap na 10am Manila Time.


Ipapatupad sa torneong ito ang eleven-round Swiss system format competition na may 3-minute time control ayon kay Philippine Executive Chess Association-PECA president AGM/Dr. Fred Paez.
"Proceeds of the event will be donated to Southville Elementary School in Cabuyao, Laguna for the Modular Learning." sabi ni AGM/Dr. Fred Paez, na Assistant Executive Director ng National Chess Federation of the Philippines-NCFP for Southern Luzon.
Ang nasabing event ay suportado ni CAPEX Cargo Padala Express CEO engr.Vergil J. Bargola, sa pakikipagtulungan ng Upper Bicutan Chess Club at Philippine Executive Chess Association-PECA. Ito ay inorganisa nina United States chess master Jun Panopio,National Master Homer Cunanan at AGM/Dr. Fred Paez.
Nakalaan sa magkakampeon ang P4,000 purse habang ang second hanggang fifth placers ay tatangap ng tig P2,500, P1,000, P800 at P700, ayon sa pagkakasunod. Ang sixth hanggang tenth placers ay tatangap ng tig P500 maging ang category winners para sa top executive, senior, junior, kiddie at lady may tig P500.
Registration fee ay P50 para sa Filipino o local player habang P150 sa foreign player.