ASIA’S  first grandmaster Eugene Torre sa TOPS

ASIA’S  first grandmaster Eugene Torre sa TOPS

ASIA’S  first grandmaster Eugene Torre sa TOPS

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Magiging espesyal na bisita sina ASIA’S  first grandmaster Eugene Torre at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Atty. Cliburn Orbe sa ika-4 na edisyon ng  “Usapang Sports on Air”  hatid ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom.
     
Si Torre ang magsisilbing  head coach  ng 12-player Philippine team na pipiga sa unang  FIDE Online Chess Olympiad na nakatakda ngayong July 22 hanggang Aug. 30.
    
Pag-uusapan ng  68-anyos na  chess legend ang tsansa ng mga Pinoy sa prestihiyosong kompetisyon na organisado ng FIDE  sa unang pagkakataon para labanan ang nakamamatay na  coronavirus  pandemic.
     
Habang si Orbe ay ibabalita ang hinggil sa  World Chess Day celebrations at programa ng NCFP para makapagdiskubre ng maraming mga bagito at talentadong manlalaro.
     
Panauhin din sa pang alas-diyes na serbisyong publikong programa na inisponsoran ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)  si University of the East coach Jean Alabanza.
     
Si Alabanza rin ang kasalukuyang coach ng Tanduay-sponsored Batangas  team sa MPBL.
 
     Inaanyayahan ni TOPS  president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng miyembro at kaibigan sa  sports community na magpartisipa. 
 
     Si Veteran sportscaster Ernest Leo Hernandez ang moderator.(LP/TOPS)