Maestro Molave muling nanguna sa Yaw-Yan Challenge

Maestro Molave muling nanguna sa Yaw-Yan Challenge

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MULING pinangunahan ni Master Danny Bualan ng YawYan Black Falcon San Pablo City, Laguna ang katatapos Yawyan Challenge 2 sa pagtala ng mala-makinang 200 sit ups.

Dahil sa pansamantalang pagbabawal sa pagbubukas ng mga Martial Arts Gym at pagkakaroon ng mga Actual Fights patuloy pa rin ang pagpapalakas ng mga miyembro ng Philippine Yawyan Martial Arts dito sa Pilipinas at maging sa ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng buwanang challenges sa nga miyembro nito.

Si Master Danny "Molave" Bualan, founder ng Yawyan Fervilleon Black Falcon, ay isa ring National Technical Official, Judge and Referee of Kickboxing sa 30th South East Asian Games. Siya rin ay miyembro ng SKP Samahan Ng KickBoxing Ng Pilipinas na affiliated ng WAKO Kicboxing (World Association of Kickboxing Organization) Worlds highest kickboxing governing bodies at Asian Kickboxing Confederation.

Matatandaang pinangunahan nya rin ang Yawyan Challenge #1 noong buwan ng Hunyo, 2020 sa pagtala ng pinakamataas na bilang ng push ups na 170.

Ang iba pang nagwagi sa Yawyan challenge #2 na ito ay ang mga sumusunod: Kurt Borjal - Yawyan Buhawi Marikina; Ivan Timothy Bualan a 12 year old anak ni Master Molave mula Yawyan Fervilleon Black Falcon; Bryan Sagandi Labuayan -Yawyan Fervilleon National Headquarters Pasay; Laurence Ygonia - Yawyan Temple Cebu; Jhomar Achilles Patroclus Arce ng Yawyan North Caloocan; Jasper Faeldonia - Yawyan Romblon; Althea Generoso - Yaw-yan Fervilleon Black Falcon; Cris Fabellar Fetisan Fabellar Fetisan -Yawyan Romblon at Dexter Faeldonia - Yawyan Romblon.

Ang Yawyan Challenge ay magpapatuloy ngayong buwan ng Agosto. Para sa karagdagang impormasyon at detalye makipag-ugnayan kay Engr. Ernie Faeldonia ng Yawyan Roskalyon Aklan Chapter at Yawyan Romblon o bisitahin ang Facebook Group na Yaw-yan Fighter para sa ibat ibang challenges ngayong panahon ng pandemic.-Marlon Bernardino-