NM Ronald Llavanes naghari sa online chess tilt

NM Ronald Llavanes naghari sa online chess tilt

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Manila---Nakaungos si Philippine Airforce (PAF) Chess Team coach National Master (NM) Ronald Llavanes ng Naga City

, Camarines Sur kontra kay Norvin Gravillo ng Quezon City kasunod ng pakikipaghatian ng puntos kontra kay Apollo Agapay ng Cabuyao City, Laguna sa 17th at final round para magkampeon sa NM Zulfikar Aliakbar Sali July 3rd-Birthday Chess Tour (Blitz tournament) na isinagawa sa online application lichess.org nitong Sabado, Hulyo 11, 2020.
Ang 48 anyos na si Llavanes ay tumapos ng 15 points mula sa 14 victories, two draws at one loss sa 17 games na may katumbas na performance rating 2685 para makopo ang titulo at top prize P5,000 sa event na magkatuwang na inorganisa ng Eggheads Chess Circle at ng Mindanao Chess Circuit.
Si Llavanes na nakatalaga sa Communication -Electronics and Information System Squadron ,600th Air Base Group, ALC, Clark Air Base, Pampanga ay nasa pangangasiwa ni 1LT Violy Alivio at ng Commel Personnel na suportado naman ang kanyang kampanya nina Mrs. Virginia Estoy Llavanes at ni Woman International Master Cristine Rose Mariano-Wågman.
Nakamit naman ni Vince Angelo Medina ng Manila ang second spot na may 14 points mula sa account na 12 wins, 4 draws at one loss na may performance rating 2654 tungo sa P4,000 second place prize.
Nasa third place naman si Chin Lim ng Quezon City na may nakamadang 13.5 points 11 wins, 5 draws at one loss para sa performance rating 2578 at maibulsa ang P3,000 third place prize.
Bida din si Ellan Asuela ng Bacolod City na nasa fourth na may 13 points para sa 10 wins, 6 draws at one loss para maiuwi ang P2,000.
Hindi din nagpahuli si dating Philippine Junior champion National Master (NM) Jonathan Tan of Davao City na nasa fifth na may 12.5 points mula sa 11 wins, 3 draws at three loses para sa P1,000.
Nasilayan din sina Eli Budoso ng Manila, Arena Grandmaster (AGM) Henry Roger Lopez ng Panabo, Davao at Queenie Mae Bunaos Samarita ng General Trias City, Cavite na nasa sixth, seventh at 8th na may tig 12 points tungo sa pagkopo ng tig P700.-Marlon Bernardino-