by Marlon Bernardino
PINAGHARIAN ni National Master (NM) Francis Jocson via tiebreak ang katatapos na Panay-Guimaras Cyber Chess Realm (PGCCR) Online blitz chess tournament nitog Biyernes, Hulyo 3, 2020 sa lichess.org.
Ang 46 years old Jocson, isang Senior Project Planning and Development Officer sa Metro Roxas Water District ay nakapagtala ng 12 points mula sa 11 wins, 2 draws at 2 loses sa 15 outings, kaparehas ng naitalang puntos ni National Master (NM) Cesar Mariano.
Nakopo ni Jocson ang titulo na may better 96.75 tie break points kontra kay Mariano's 85.25 sa event na inorganisa ng Capiznon Chess Club Inc.
Ating magugunita na si Jocson ang first National Master (NM) mula Tiza, Roxas City matapos ang kanyang magnificent performance kasama sa pag-giba ng five marquee national masters sa 1999 Inter-Province Chess Tournament sa Cagayan de Oro City.
Si Jocson din ang nagwagi ng 7th DWP Mixed Masters Invitational Rapid Chess Tournament noong 2012 na ginanap sa Bayview Residence Hotel, Iloilo City.Si Jocson ay nakapasok din sa Grandfinals ng Philippine Executive Chess Association (PECA) meet.
Ang iba pang pamoso na chess player mula Tiza, Roxas City ay si Sydney, Australia based Frederick Tumanon na nagkampeon sa Philippine Junior Championships noong dekada 70's.
Sa isang banda ay namayagpag din si Felixberto Baguyo Jr.,isang Management Information System Design Specialist sa Metro Roxas Water District na nahablot ang third spot na may 10.5 points kung saan ay sumunod sina Michael Joseph Cartojano at Fiona Geeweneth Guirhem na nagtapos ng fourth at fifth, ayon sa pagkakasunod na may identical 9.5 points.
Pasok sa top 10 ay sina sixth place John Kenneth Bayot (9 points), seventh place John Calvin De Mesa (8.5 points), eight place Singapore based Clyde Seruelo (8 points), ninth place Dubai based Arena Grandmaster (AGM) John Michael Silvederio (8 points) at tenth place Oriental Press Bahrain Internal Audit Manager Kriz "Dodoy" Villareal (8 points).-Marlon Bernardino-