by Marlon Bernardino
TULOY na tuloy na ang pinaka-aabangan na ika-36 na edisyon ng PCA- ParaƱaque Chess Association Non-Master 1950 and Kiddues U-14 1900 Rapid Chess Tournament na iinog sa Marso 22, 2020 (Linggo) sa SM City Bicutan Building B, Paranaque City.
Bukas ang torneong ito ay sa lahat ng non-master chess player na hindi lalagpas sa 1950 ang kanilang rating.
Ipapatupad ang 6-7 rounds Swiss System sa Non-Master 1950 and below category habang isasagawa naman ang 5 rounds Swiss format sa Kiddies U-14 1900 and below class kung saan ang rate of play ay 20 mins + 5 sec. delay mode.
Ang Major Awardees ay hindi entitled na makakuha ng category prizes kung saan ang top 5 Elementary, High School & Senior (18 years old & Above) ay qualify bilang finalist sa CEFAG-Chess Education for Age-Group Finals 2020 Elementary, High Schoolat Senior Chess Championship kung saan ay guaranteed ang prizes at no pooling of prizes.
Maibubulsa ng Non-Master 1950 and below champion ang P4,000 plus trophy habang maiuuwi naman ng Kiddies U-14 1900 and below winner ang P1,500 plus trophy.
"Play, Improve and Enjoy," sambit ni PCA top honcho Dr. Bong Perez.
Makipag-ugnayan kina Dr. Bong Perez, Jerald Marinas (0926-0516238), CAUP Mario Perez (0926-9994939) at NA Boyet Tardecilla (0917-1435999) para sa kumpletong detalye.-Marlon Bernardino-