Pinagharian ni Philippine National Master Elwin Herbias Retanal ang katatapos na 4th Riyadh Resident Chess Tournament na ginanap sa Mena Hotel, Olaya Street, Riyadh City, Kingdom of Saudi Arabia nitong Biyernes, Pebrero 21, 2020.
Ang Cebuano native Retanal, 1997 national junior champion ay nakaipon ng 7 points mula sa 7 wins para magkampeon sa 7-round tournament at matagumpay na maidepensa ang kanyang tangan na titulo.
Nakamit naman ni Candidate Master Khairat Ahmed ng Egypt ang second na may 6 points.
Magkasalo naman sina Abdel Fatah Mohamed Hamed ng Egypt at Mohammad Salahat ng Jordan sa 3rd at 4th places na may tig 5.5 points habang nanguna naman sina Nelson Lagutin at Eduardo Valenzuela ng Pilipinas sa grupo ng five pointers na kinabibilangan nina Gamal Abd Alhakm ng Egypt, Ababneh Ghayth ng Jordan, Mortada Haytham, Mahmoud Houssam at Elizamar Ahmad ng Egypt.
Ang iba pang Filipino na kalahok ay sina 13th placer Richard Matibag (4 points) at 18th placer Emmerson Vicencio (4 points).
Dahil sa tagumpay at magandang performance ni Retanal ay muli niyang napataas ang moral ng bansa ayon kay Arena Grandmaster Robert Ramos Suelo Jr., ang 1996 national junior champion.
“Once again our flag has been raised in this foreign land after knowing that our Filipino kababayan Philippine National Master Elwin Herbias Retanal dominated the 4th Riyadh Resident Chess Tournament,” ani Suelo.-Marlon Bernardino-
@@@
Makikita sa larawang ito si Philippine National Master Elwin Herbias Retanal (kanan) na tinangap ang kanyang championships' trophy at gold medal sa kanyang latest feat.