GM "Banjo" Barcenilla idedepensa ang titulo sa Phoenix Open Chess

GM "Banjo" Barcenilla idedepensa ang titulo sa Phoenix Open Chess

GM "Banjo" Barcenilla idedepensa ang titulo sa Phoenix Open Chess

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
  • Chess

by Marlon Bernardino


IDEDEPENSA ni Grandmaster (GM) Rogelio "Banjo" Barcenilla ang kanyang titulo sa pagtulak ng 8th Annual Phoenix Open Chess Championship ngayon Biyernes sa Unity Chess Club sa Mesa, Arizona.


Mas kilala sa tawag na Banjo sa mundo ng chess, ang two-time (1989 at 1990) Asian Junior  champion sa India at Dubai at 1991 Bronze medalist sa World Juniors championship sa Romania ay ipagtatangol ang tanga niyang korona sa top player ng Arizona, USA sa three-day (November 29 - December 1, 2019) event.
" I hope to do well in this event and gain some elo rating points," sabi ni Banjo, ang 6th straight Phoenix Open champion.
Ang Iloilo born Banjo na may ugat din sa Cebu at Iligan City ay sariwa pa din sa kampeonato ng 2019 Philippines National Chess Championship a tinampukang Battle of the Grandmasters sa isang impressive fashion na ginanap sa Philippine Academy for Chess Excellence (PACE), 2nd floor, No. 56 Mindanao Avenue, Project 6 in Quezon City nitong Martes, Nobyembre 26.
Ang Arizona, USA based Banjo na pinagmamalaki ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City ay napahanga ang mga nanonod sa kanyang kapana-panabik na laro sa kanyang pag sakripisyo ng reyna para mapuwersa ma mate si last year's champion International Master (IM) Haridas Pascua tungo sa panibagong national title sapul ng pagharian ang 1996 Far East Bank National Chess Championships.
Nagwagi si Banjo sa 44 pushes ng English Opening game para tumapos ng undefeated sa 11 round tournament na may total output  7 points mula sa account ng 4 wins, 6 draws, 0 loss, one point ahead kina International Master (IM) Paulo Bersamina at Grandmaster (GM) John Paul Gomez.
Dahil sa tagumpay ay nakamit ni Banjo ang isa sa 2 slots para sa top 2 winners na kakatawan sa bansa sa 2020 World Chess Olympiad na gaganapin sa Moscow, Russia bilang miyembro ngPhilippine National Chess Team (Open/Men).
Si Banjo ay nakatakda ding lumahok sa 29th Annual North American Open na gaganapin sa Bally's Casino Resort sa Las Vegas, Nevada, USA sa Disyembre 26-30, 2019 ayon sa kanyang very supportive na maybahay na si 1994 Moscow Olympiad member Woman National Master (WNM) Lilibeth Lee-Barcenilla.-Marlon Bernardino-
Isang file photo ng tatlong US based Pinoy grandmaster na sina Julio Catalino "Ino" Sadorra, Rogelio "Banjo" Barcenilla at Wesley So.