Antonella Berthe Racasa falters

Antonella Berthe Racasa falters

Antonella Berthe Racasa falters

Antonella Berthe Racasa falters

Article Index

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
by Marlon Bernardino

ANG Cinderella run ni Philippines’ youngest Woman Fide Master (WFM) 45th seed Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa (elo 1380) ay winakasan ni 2nd seed Ruiyang Yan (elo 1983) ng United States sa tenth round ng Under-12 Girls division ng World Cadet Chess Championships Sabado sa Yujing Hotel sa Weifang, Shandong, China.

Yumuko ang 12-year-old Home School Global bet na si Racasa kontra kay Ruiyang matapos ang 42 moves ng Sniper defense tangan ang black pieces.

Bagamat natalo si Antonella Berthe ay nakisalo pa din siya sa 4th-8th places na may 7.0 points kasama ang apat pang manlalaro. Nakakopo si Racasa ng 137.6 rating points mula sa ten games ayon kay Robert Racasa, father/coach ni Antonella Berthe.

"She began as the #45 seed among ninety players but she was able to play on Board 1 on penultimate round. She was able to upset seeded number nine and ten respectively. So proud of you anakis Antonella." ani Robert, isang International Memory champion.

"Although it's a heart breaking loss for our pambato Antonella, still we are joyous for the numerous upsets that she has done against high caliber player. It only proves that we can be at par with world class players." huling pananalita ni Robert, founder at father ng Memory Sports sa bansa.

Tinalo ni 3rd seed Woman Candidate Master (WCM) Galina Mikheeva (elo 1952) ng Russia ang kababayang si 4th seed Woman Candidate Master (WCM) Alexandra Shvedova (elo 1932) para makahabol kay Ruiyang sa ituktok ng liderato na may tig 9.0 points.

Panalo din si 8th seed Woman Candidate Master WCM Alua Nurmanova (elo 1850) ng Kazakhstan kay 25th seed Wang Xiyue (elo 1540) ng China para manatili sa solo third na may 8.5 points.

Ang kampanya sa China ni Antonella Berthe China trip ay suportado nina Philippine Amusement and Gaming Corp. chair and CEO Andrea Domingo, D. Edgard Cabangon ng ALC Group of companies, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Councilor Charisse Abalos.

Si Antonella Berthe ay suportado din nina Mr. Rogelio Lim ng Boni Tower at Makati Medical Center President at Chief Executive Officer Rose Montenegro kung saan siya ay haharap kay Shvedova sa Round 11.-Marlon Bernardino