Racasa,Chen in fighting draw

Racasa,Chen in fighting draw

Racasa,Chen in fighting draw

Racasa,Chen in fighting draw

Article Index

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
by Marlon Bernardino

Nakabalik sa kontensiyon si Philippines’ youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa matapos ang heart-breaking loss sa pakikipaghatian ng puntos kontra kay Rachel Ruoxuan Chen ng Canada sa World Cadet Chess Championships na ginanap sa Yujing Hotel sa Weifang, Shandong, China nitong Biyernes.

Dahil sa tabla ang 12-year-old student ng Home School Global na si Racasa ay napataas ang score sa 1.5 points sa three outings sa Under-12 girls’ division.

“Antonella Berthe drew with Rachel Ruoxuan Chen of Canada in Round 3." sabi ng ama at coach na si Roberto Racasa na isang International Memory champion at founder at ama ng Memory Sports sa Pilipinas.

Ang kanyang kampanya sa China ay suportado nina Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chair at CEO Andrea Domingo, D. Edgard Cabangon ng ALC Group of companies, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Councilor Charisse Abalos, Mr. Rogelio Lim ng Boni Tower at Makati Medical Center President at Chief Executive Officer Rose Montenegro.

Maganda ang simula ni Racasa matapos biguin si Sophia Ziyan Zhao ng Estados Undios sa first round subalit yumuko kontra kay 2019 World School Chess Champion Khishigbaatar Bayasgalan ng Mongolia sa second round.

Ang kanyang fourth round opponent ay si Meiru Duan ng China .-Marlon Bernardino-