Angeles City Sports at Caine Knights nagsanib puwersa para sa pagdiksubre ng future chess masters

Angeles City Sports at Caine Knights nagsanib puwersa para sa pagdiksubre ng future chess masters

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SA layuning makadiskubre ng future chess masters at champion ay nagsanib puwersa ang Angeles City Sports at Caine Knights sa pagtulak ng Non-Master at Youth Chess Tournament na iinog sa Agosto 25 na gaganapin sa Robinsons Balibago, Angeles City, Pampanga.

Ayon kay tournament organizer Jose Fernando Camaya ang torneong ito ay bukas sa lahat ng non-master chess player na ang NCFP rating ay hindi lalagpas sa 2100 base sa July 2019 list ng National Chess Federation of the Philippines.

Ito ay hinati sa dalawang division, ang non-master na may pabuyang P6,000 plus trophy sa magkakampeon at youth o 14 years old and below (born 2005 with maximum ratings of 2100 & below) na may nakalaan na P4,000 plus trophy sa maghahari.

Ang tournament registration fee sa non-master ay P350 habang nakalaan naman sa youth o 14 years old and below (born 2005 with maximum ratings of 2100 & below) ay P300.

Hanapin si tournament organizer Jose Fernando Camaya (09158814752) para sa karagdagang detalye.-Marlon Bernardino-