NM Lorena naghari sa Lucban chess

NM Lorena naghari sa Lucban chess

NM Lorena naghari sa Lucban chess

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

By Marlon Bernardino
Lucban, Quezon--- Pinagharian ni National Master Carlo Lorena ang katatapos na 9th leg National Executive Chess Championship na tinampukang 2019 Grandmaster Rosendo Balinas Sr. Chess Cup na ginanap sa Zurea Hotel, La Purisima Concepcion St., Lucban, Quezon nitong Sabado.

Ang dating Colegio San Juan De Letran standout ay nakalikom ng 6 points para maisubi ang champion’s purse P7,000 at trophy.

Si Lorena ay suportado nina Albay governor Al Francis Bichara at Daraga, Albay mayor Victor Perete.

Nakarehistro si Fide Master (FM) Randy Segarra came ng 5 points para matangap ang P5,000 at medal sa event na ito na sinuportahan nina engr. Antonio "Tony" Balinas , Cayabu, Tanay Rizal Barangay Chairman Antonio Bolanos , Zurea Hotel at Chito’s Restaurant.

Nakapagtarak naman si Dandel Fernandez ng Maynilad ng 4.5 points para makisalo sa third hanggang fifth spots na kinabibilangan nina Philippine Executive Chess Association president Dr. Jenny Mayor ng Sibuyan Island, Romblon at Dr. Alfred Paez ng Cabuyao, Laguna.

Nakopo naman ni IT expert Joselito Cada (4 pts.) ng Lucban ang Top Under 2200 award habang naibulsa naman ni National Master Efren Bagamasbad (3 pts.) ng Quezon City ang Top Senior plum.

Nakaungos si Henry Boroc ng Bicol kay Andrew Sorima ng Makati City sa tiebreak points para magkampeon sa challenger’s division. Ang dalawang manlalaro ay nakapagtatak ng tig five point sa seven rounds.

Bida din si Frederick Isip ng Lucena na third place na may 4.5 points na sinundan nina Edwin Caballero ng Muntinlupa City at Vital C Health Products, Inc. IT Manager Edwin Sison ng Quezon City na may tig 4 points.

Hinirang na category winners ay sina Felicito Gaela (Top Unrated), Rober Aram Gendrano (Top 1800) at Gerardo Villa (Top Quezon).

Si National Master Rudy Ibanez ang nagsilbing Chief Arbiter sa nasabing rapid chessfest.

Ang susunod na leg ay darako sa 24/7 Balikbayan Resort Bariis, Tiwi, Albay sa Agosto 3 at 4. Mag Call o text kay Mr. Alexis Orlain sa 0908-4834-310 at 0916-4220-406para sa dagdag detalye.-Marlon Bernardino-