"The Marvelous Captain" Marlon Manalo pasok sa World 9-Ball Open KO stage

"The Marvelous Captain" Marlon Manalo pasok sa World 9-Ball Open KO stage

"The Marvelous Captain" Marlon Manalo pasok sa World 9-Ball Open KO stage

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Manila, Philippines---Nakakuha ng upuan at spots si "The Marvelous Captain" Marlon Manalo sa knockout stage ng prestigious 2018 World 9-Ball Championship na ginanap sa Al-Attiya Sports Arena ng Al-Arabi Sports Club sa Doha, Qatar.

Ang affable cue artist at chairman ng Barangay Malamig sa Mandaluyong City na siya ding ang liga ng mga Barangay President ay giniba sina Mohammad Alshammari ng Kuwait, 7-1, Lee Junho ng South Korea, 7-1, Zaid Alsherayti ng Syria, 7-5, Ip Tung Pong ng Hongkong, 7-4, Toh Lian Han ng Singapore, 7-1, at mga kababayan na sina Roberto Brillantes, 7-1 at Adonis Santos ng Pilipinas, 7-6, sa kanilang group stage qualifying event.

Susunod niyang makakalaban si Meshaal Al Murdhi ng Kuwait. Si Al Murdhi naman ay nangibabaw kina Samir Waheed ng Kuwait, 7-1, Meneleo Migellano ng Pilipinas, 7-2, Kwon Hojun ng South Korea, 7-1, Saki Kanatlar ng Turkey, 7-6, at Nikolaos Malaj ng Greece, 7-4.

Sa kanyang ginawang paghahanda dito ay si Manalo ay araw araw na nag pa praktis sa kanyang sariling pool hall sa Talumpung, Mandaluyong at sa pamosong Star Billiards Center sa Grace Village, Quezon City, na nagsilbing punong abala si long-time sports patron Sebastian "Baste" Chua.

"I hope to sustain my winning run here," sabi ni Manalo na suportado ang kanyang kampanya nina long-time benefactors Solar Sports head Ronald Tieng at Mandaluyong City mayor Carmelita “Menchie” Aguilar Abalos.

Ang magkakampeon sa 2018 World 9-ball Championship ay tatangap ng $30,000 habang nakalaan naman sa ika-2 puwesto ang $15,000 sa total prize fund na $200,000.

Ang defeding champion ay si Carlo Biado ng Pilipinas na nagwagi sa kababayang si Roland Garcia, 13-5, sa last year's final. Ilang araw na nakalipas ay si Pampanga native Garcia ang itinanghal naman na kampeon sa Manny Pacquiao Open sa General Santos City para tangapin ang top prize P500,000 kay tournament director Elman "Aris" Sacayanan.-Marlon Bernardino-