NM Liwagon muling masisilayan

NM Liwagon muling masisilayan

NM Liwagon muling masisilayan

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MATAPOS maibulsa ang top prize P50,000 kalakip ng pagsikwat din ng "Rapid" National Master title matapos magkampeon sa Grand Finals ng Alphaland National Executive Chess Championships ng inorganisa ng Philippine Executive Chess Association ay muling masisilayan sa ibabaw ng 64 square board si National Master Bob Jones Liwagon bago matapos ang taong ito.

Si Liwagon na tubong Cotabato City na ang rango ay Captain sa Philippine Army ay suportado nina Army Judge Advocate (AJA) Colonel Maria Victoria Girao at Acting Chief, Army Real Estate Office Colonel Florentino Mendez Jr., ay matutunghayan sa Christmas Blitz Chess Tournament sa Disyembre 19 na gaganapin sa Philippine Academy For Chess Excellence (PACE) sa number 56 Mindanao Avenue, Project 6, Quezon City at ang All Masters Rapid chess tournament sa Disyembre 22 na gaganapin sa Activity Hall, 2nd Floor, Alphaland Makati Place, Ayala Avenue corner Malugay Street sa Makati City.

Si Liwagon ay dating pambato ng University of Sto. Tomas ng kanyang college days kung saan naging Philippine Age Group Chess Championships Under 18 champion.

Kasama sa kanyang pagsasanay ang pakikipag sparring kina Grandmaster Darwin Laylo at Grandmaster elect Ronald Dableo.-Marlon Bernardino-