Muntinlupa chessfest tagumpay

Muntinlupa chessfest tagumpay

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MAY kabuuang 35 koponan ang lumahok sa pagbubukas ng Muntinlupa Inter-Barangay Chess Team Tournament 2018, 1950 and below average team rating nitong Sabado, Disyembre 9, 2018 na ginanap sa Dioko Pavillion Barangay Cupang sa Muntinlupa City.

Mismong si long-time chess supporter Atty. Vic Ulanday ang nanguna sa traditional ceremonial moves kasama sina NCFP director Atty. Cliburn Anthony Orbe, Coun. Nilo Santo, WIM Mikee Suede, Santa Magdalena, Sorsogon vice mayor Ramon Espela, Miel Bautista at Resty Orellana.

Nagbigay din ng mensahe si Atty. Ulanday sa lahat ng mga kalahok at pinasalamatan sina Bureau of Immigration (BI) Deputy Commissioner Marc Red MariƱas at Muntinlupa City vice-mayor Celso Dioko na sumuporta sa libreng chess tournament na ang kampeon na koponan ay tatangap ng P20,000.

Kinilala din ni Atty. Ulanday ang kontribusyon sa pagpapalago ng chess sa Muntinlupa City na si G. Ferdie Casabuena na lumalaban sa buhay matapos magkasakit.
Nanguna naman sa talaan ng mga koponan na kalahok ang Barangay Cupang kung saan si Atty. Orbe ang Board 1 player.

Inasahan naman ng gagabayan ni Muntinlupa topnotcher Roberto Biron ang Barangay Bayanan habang nakesentro naman ang atensiyon kay Michael dela Cruz para sa Barangay Sucat. Hindi naman magpapahuli si Jethro Dino Aquino na babandera sa koponan ng De La Salle Zobel at si Lorenz Franco naman ang pambato ng Barangay Alabang kung saan magpapakitang gilas naman si Darla Aleli Zabat para sa Lyceum Tunasan.-Marlon Bernardino-