IM Angelo Young dinomina ang Dunkin Donuts Chess Challenge

IM Angelo Young dinomina ang Dunkin Donuts Chess Challenge

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

NAPATAAS ni International Master Angelo Young ang kanyang moral sa pagkampeon niya sa Dunkin Donuts Chess Challenge sa muli niyang pakikipagtagisan ng isipan sa 17th Asian Continental Chess Championships sa Disyembre 10 hanggang 18, 2018 na gaganapin sa Tiara Oriental Hotel Malugay corner Talisay Streets, San Antonio Village, Makati City.

Nitong Martes, si Young, ang 8-time Illinois state champion ay muli niyang pinatunayan ang husay niya sa blitz game, three minutes plus two seconds increment time control format ng makopo niya ang titulo sa Dunkin Donuts Chess Challenge na ginanap sa Cubao, Quezon City tungo sa pagtulak ng amazing performance na may nine wins, two points kay solo second place National Master Julius Sinangote.

Kabilang naman mga manlalaro na nakapasok sa top 6-cirle ay sina Jason Rojo, National Master Robert Arellano, National Master and United States chess Master Almario Marlon Bernardino Jr., at ship captain Ronaldo "RNB" Banaag.

" I hope to do well in the 17th Asian Continental Chess Championships," sabi ni Young na naghari din sa rapid at blitz event sa katatapos na Asian Seniors championship na ginanap sa Tagaytay City nitong Nobyembre 4 hanggang 11, 2018.
Samantala ay nanguna
na sina New Zealand-based Ceferino "Jun" Isaac at Singapore-based Jayson Jacobo Tiburcio sa strong international cast sa pakikipagtuos sa Challenger section ng 17th Asian Continental Chess Championships na may pabuyang P50,000 sa magkakampeon.

Sa pag request ng invitation ay maaaring mag email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

"Last day of registration will be on December 9, 2018 from 1:00 to 7:00pm at the venue due to limited space we will only accept good for 120 players." ayon sa organizing committee.-Marlon Bernardino-