IM Angelo Young mangunguna sa Negros Chessfest

IM Angelo Young mangunguna sa Negros Chessfest

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

PAPANGUNAHAN ni International Master Angelo Young ang mga kalahok sa pagtulak ng 2018 Pintaflores Invitational Chess Tournament na tinampukang The Negros Encounter sa Oktubre 13 at 14, 2018 na gaganapin sa San Carlos City Sports Complex sa San Carlos City, Negros Occidental.

"I hope to do well in this event,"sabi ni IM Angelo Young na tumapos ng second place sa GM/IM Norm Invitational Chess Tournament nitong Abril 4, 2018 na ginanap sa Charlotte Chess Center and Scholastic Academy sa Charlotte, North Carolina, USA.

Ang iba pang manlalaro na lalahok sa weekend's 8-round Swiss system rapid competition ay sina Fide Master Nelson "Elo" Mariano III, National Masters Emmanuel Emperado, Rommel Ganzon, Leonardo Alidani, Edsel Montoya, Arnolito Cadiz at Anthony Makinano.
Ang magkakampeon sa open division ay magbubulsa ng P15,000, habang nakalaan naman sa second hanggang fifth placers ang tig P10,000, P5,000, P2,500 at P1,500, ayon sa pagkakasunod. Ang makakapasok naman sa top 10 ay tatangap ng tig P1,000. May maiuuwi naman ang Top female performer na P500.

Habang ang top finisher sa 16-Under category ay tatangap ng P5,000, habang maibubulsa naman ng second hanggang fifth ang tig P3,000, P2,000, P1,000 at P700. Nakalaan naman sa sixth hanggang 10th ang consolation prize na P300.

Bukod sa hefty cash prizes, inilatag din ng organizing San Carlos City Chess Club under ng leadership ni Henry Silva ang free meals, snacks, at accommodation sa out-of- town participants kasama na ang dalawang lechon baboy sa opening day.
Sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), ang two-day tilt ay suportado ng San Carlos LGU sa gabay ni Mayor Gerardo Valmayor, Jr.

Ang Entry fee ay P300 sa 16-under habang P400 sa open category.
Hanapin si Henry Silva sa mobile number: 0906-3648588 para sa dagdag detalye.-Marlon Bernardino-