BAGONG TALENTO NG CHESS ISUSULONG SA IMUS, CAVITE

BAGONG TALENTO NG CHESS ISUSULONG SA IMUS, CAVITE

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SA hangaring makatuklas ng bagong talento sa grass-roots level ay isusulong ng Canon Carlsen Kasparov Chess Club ang Weekly Open Rapid Chess Tournament na tinampukang Imus Open Rapid Chess Championships sa darating na Linggo, Oktubre 14, 2018 na gaganapin sa City Mall sa Aguinaldo Highway, Imus, Cavite.

"We hope to see the number of young chess students continue to rise," sabi ni tournament director Priscilla "Ella" Tindero ng bagong tatag na Canon Carlsen Kasparov Chess Club na kaagapay din ang City Mall Imus, Dugout Sports Bar and Music Place at Molded Mind Chess Club sa isa sa pinakamalaking torneo sa Imus, Cavite sa buwan ng Oktubre.

Pinangunahan na ni National Master Romeo Alcodia, ang 1999 Asian Inter-Collegiate Kuala Lumpur co-champion ang mga naunang nagbigay ng kumpirmasyon sa paglahok kasama ang mga batikang manlalaro ng Bacoor, Cavite na sina Erwin Calar, Eduardo Tungia at Lourecel Hernandez-Ecot.

Dagdag pa ni tournament director Priscilla "Ella" Tindero na tatangap ang magkakampeon ng P10,000 kung saan ay maibubulsa naman ng runner-up place ang P5,000, habang nakalaan naman sa third placer ang P3,000.

Ang top three finishers para sa Top 2000 and below at Top 2200 and below ay mag-uuwi ng tig P3,000, P2,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunod. Libre ang registration fee ng Grandmaster at International Master habang ang tournament registration fee ay P600.
Ang Chief Arbiter ay si NA Salvador Tardecilla kasama sina pairing Specialist CA2 Israel Landicho at Steward Rey Jay Pascual.
Ang seven-round Swiss system tournament ay bukas sa lahat ng manlalaro, rated o unrated, anuman ang kanilang kasarian at edad na ipapatupad ang time control ay 30 minutes bawat manlalaro para tapusin ang laro sa event na suportado ng City Mall Imus, Dugout Sports Bar and Music Place, Molded Mind Chess Club, sanctioned ng the National Chess Federation of the Philippines at pangangasiwaan ng Chess Arbiter Union of the Philippines. (Marlon Bernardino)