NM Pablo, Omangay, Claros at Santiago nanguna sa Angeles Open chessfest

NM Pablo, Omangay, Claros at Santiago nanguna sa Angeles Open chessfest

NM Pablo, Omangay, Claros at Santiago nanguna sa Angeles Open chessfest

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Tampok sina National Master Louie Pablo, Tiv Omangay, April Joy Claros at Elijah Gabriel Santiago sa pag-arangkada ng 2018 Mayor's Cup Chess Tournament na iinog sa darating na Oktubre 27, 2018 na gaganapin sa Robinson's Place, Balibago sa Angeles City, Pampanga.

Kalahok din sina Joshua Mallari, Julio David, Andrei Bunagan at Lester Paruli na ang magkakampeon sa Open division ay tatangap ng P6,000 habang nakalaan naman sa magwagi sa 2nd hanggang 5th place ay tig P4,000, P2,000, P1,000 at P700.

Habang sa panig ng 12 years aold and below kiddies division ay matatangap ng magkakampeon ang P3,000 habang ang 2nd hanggang 5th place ay tig P1,500, P1,000, P700 at P500.

May nakalaan din na special awards para sa top senior at top Angeles youngest participants na tig P1,000.
Ayon kay National Arbiter at tournament director Jose Fernando "Fer"Camaya na ang National Chess Federation of the Philippines sanctioned at rated tournament ay bukas sa lahat ng manlalaro may titulo man o wala, anuman ang edad at kasarian.

Sa detalye ay hanapin si tournament director NA Jose Fernando "Fer"Camaya sa mobile number: (0915-881-4752).-Marlon Bernardino-