JOTA, MEDINA MAGKASALO SA KAMPEONATO

JOTA, MEDINA MAGKASALO SA KAMPEONATO

JOTA, MEDINA MAGKASALO SA KAMPEONATO

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
TUMAPOS ng tig 6.5 puntos matapos ang pitong laro sina Lyceum of the Philippines University (LPU) Manila top gunner Jonathan Maca Jota at dating National University (NU) mainstay Vince Angelo Medina para magsalo sa unahang puwesto sa tinampukang 1st Hon. Marcelo Predilla Gayeta rapid chess tournament na may temang "Gilas chess camp" na ginanap sa Sariaya Sports Complex, Sariaya Quezon nitong Linggo, Mayo 6, 2018.

Ayon kay Philippine Executive Chess Association (PECA) founding member Information Technology (IT) expert Joselito Cada na tubong Lucban, Quezon, ng ipinatupad ang tie break points, ay naibulsa ni Jota ang titulo, top prize P4,000 sa event na inorganisa ng Sariaya Chess Club kung saan nagsilbing punong abala si Sariaya Mayor Marcelo Predilla Gayeta na ang layuning ay makatuklas ng bagong talento sa grass roots level, ma promote na din ang turismo ng magandang lugar ng Sariaya, Quezon at pagkabuklod buklod ng mga chess player partikular na mula sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at highly urbanized city ng Lucena (Calabarzon) area.

Naiuwi naman ni Medina ang runner-up purse P2,500 dahil sa kanyang effort Seven-Round Swiss System 25 minutes time control format.

Hindi naman nagpahuli ang ipinagmamalaki ng Mulanay, Quezon na si Reymond Jay Ompod ng Dela Salle Lipa sa paglikom ng 6.0 puntos tungo sa P1,000 para sa 3rd place cash prize.

Nakamit naman ni Don Tyrone "Turon" Delos Santos na dating pambato ng Arellano University ang P700 para sa 4th place finish na may naipong 5.0 puntos, ang iskor na naitala din ni Jason Par tungo sa 5th place finish para sa P500.

May tig P300 naman ang naibulsa ng mga manlalaro na nakapasok sa top 10 na kinabibilangan nina 6th place Rafael Dionisio (5 pts.), 7th place Gary Legaspi (5 pts.), 8th place Joland Abaricia (5 pts.), 9th place Dindo Ormasa (5 pts.) at 10th place Riggz Padernal (4.5 pts.).

May natangap naman na tig P500 ang mga category winners na sina Alexis Anne Osena ( Top Lady),Dennis Norbe (Top Sariaya), Pantaleon Valencia (Top Senior ) at Mark Anthony Palo (Top Junior).-Marlon Bernardino-