Queen Rose Pamplona nakopo ang solong liderato sa 2018 National Age-Group Chess

Queen Rose Pamplona nakopo ang solong liderato sa 2018 National Age-Group Chess

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
TINALO ni Queen Rose Pamplona ng Passi, Iloilo kontra si Franchesca Largo ng Maramag, Bukidnon para makopo ang solong liderato matapos ang Round 4 ng 2018 National Age-Group Chess Championships Grand-Finals Girls 12 and under sa Capiz Gymnasium sa Roxas City, Capiz.

Nakalikom na si Pamplona 3.5 puntos matapos ang apat na laro kalahating puntos ang angat sa dating nangungunang si Largo at Aliyah Rae Lumangtad ng Tagum City na kapwa nakapagtala ng tig 3.0 puntos.

Magkasalo naman sa ika-4 hanggang ika-5 puwesto sina Precious Day Yecla at Kimberly Colaste ng Iloilo na may tig 2.5 puntos.

Nasa ika-6 na puwesto naman si Antonella Berthe Racasa ng Marikina City na may 2.0 puntos habang nasa ika-7 puwesto naman si Samantha Babol Umayan ng Davao City na may 1.5 puntos.

Nasa ika-8 hanggang ika-9 na puwesto naman sina Alysah Buto ng Cainta, Rizal at April Joy Claros ng Angeles City, Pampanga na may tig isang puntos.

Ipinatupad ang 90 minutes plus 30 seconds increment time control format kung saan ang Tournament Director ay si FIDE Arbiter Red Dumuk habang ang Chief Arbiter ay si National Master Wilfredo Neri.-Marlon Bernardino-