CALAPAN CITY CHESSFEST IINOG NA

CALAPAN CITY CHESSFEST IINOG NA

CALAPAN CITY CHESSFEST IINOG NA

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
HANDA na ang lahat sa pagsambulat ng pinaka-aabangan na Barangay Wawa Fiesta Non-Master Chess Tournament na gaganapin sa Barangay Wawa Hall sa Calapan City, Oriental Mindoro sa Mayo 25, 2018 na magsisimula sa ganap na alas-nuebe ng umaga.

Ayon kay United Chess Players of Calapan Inc. President Emmanuel "Noel" Bandelaria Asi ay pinangunahan nina Nezil at Zenji Merilles, Melencio Acedera, Cesar Cunanan, Allen Sicangco at Engr. Oliver Daitol ng Calapan City ang mga paboritong kalahok.

Nagbigay din ng kumpirmasyon sa paglahok sina Ronald Berdera at Romel Macalintal ng Victoria.

Ipaparada naman ng Pinamalayan ang kanilang pambato na sina MIMAROPA Champion secondary Jemar Latombo, Venjun Roxas , Jayson Lozano , Remar Margarito at Rolito Macalintal .

Simula na din ang pagpapatala sa 2018 Lifecore Enterprises Open chess tournament na gaganapin sa Xentro Mall, Calapan City sa Setyembre 9, 2018 na magsisilbing punong abala si sportsman Nicholas Ramil Castro kung saan ay P25,000 ang naghihintay sa magkakampeon.

Mag call o text sa mobile number: 0917 562 0402 para sa dagdag detalye. -Marlon Bernardino-