2018 BULACAN CHESS TEAM CHAMPIONSHIPS NGAYON NA

2018 BULACAN CHESS TEAM CHAMPIONSHIPS NGAYON NA

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino

WALA ng makakapigil sa pagtulak ng 2018 Bulacan Inter-Barangay Open Chess Team Championships ngayon Linggo, Mayo 6, 2018 na gaganapin sa Aliw Complex, Meycauayan City, Bulacan.

Ayon kay tournament director Fide National Arbiter Richard dela Cruz, ang one day National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament ay bukas sa lahat ng manlalaro, may titulo man o wala, kung saan sa isang koponan ay binubuo ng dalawang manlalaro na ang kanilang latest NCFP ratings base sa April 1, 2018 ay hindi lalagpas ng 2000 sa event na inorganisa sa pakikipagtulungan ng Meycauayan Chess Club at Bulacan Chess Association.

Ang unrated na chess players o ang manlalaro na ang rating ay below 1800 ay kinukunsiderang 1800 ang ratings para sa computation ng rating purposes sa rapid chess twenty minutes (20 minutes) plus 5 seconds time-delay format.

Ang top five (5) Bulacan teams ay uusad sa Finals (128 players, World Chess Cup Format) sa Disyembre 2018.
Mag call o text sa mga mobile numbers: 0997-529-2706 o 0943-466-4552 para sa kumpletong impormasyon.

-Marlon Bernardino-