Mark Louie Velasco naghari sa West Crame Chess Club Rapid Tournament

Mark Louie Velasco naghari sa West Crame Chess Club Rapid Tournament

Mark Louie Velasco naghari sa West Crame Chess Club Rapid Tournament

Mark Louie Velasco naghari sa West Crame Chess Club Rapid Tournament

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
by Marlon Bernardino
 
PINAGHARIAN ni Mark Louie Velasco ang katatapos na 2018 West Crame Chess Club Rapid Tournament na ginanap sa Barangay Hall ng West Crame, San Juan City nitong Linggo, Abril 22, 2018.
 
Si Velasco na pambato ng Chess Training Group na nasa pangangalaga ni National Master (NM) Ali Branzuela ay nakalikom ng 4.5 puntos sa limang laro para makopo ang gold medal at titulo.
 
Nakaipon naman si dating Technological Institute of the Philippines (TIP) top player at Dubai, UAE champion Gilbert Taopa ng 4.0 puntos para maiuwi ang silver medal para sa runner-up place habang nakapagkamada naman ang nakakatanda niyang kapatid na si Ronnie Taopa ng 3.5 puntos para tangapin ang bronze medal sa third place.
Nagsagawa ng kambal na traditional ceremonial moves sa pagitan nina West Crame Chess Club president Dante Bajaro (seating first row left) at National Master Romeo Alcodia (seating first row right) at 8 years old Angelo Gabriel Benipayo (seating second row left) at SSS top player Dioniver "Bobot" Medrano (seating second row right) bilang hudyat ng pagbubukas ng 2018 West Crame Chess Club Rapid Tournament nitong Linggo April 22, 2018 na ginanap sa Barangay Hall West Crame sa San Juan City.
 
Pinangunahan nina SSS top player Dioniver "Bobot" Medrano, West Crame Chess Club President Dante Bajaro at  West Crame Chess Club Vice-President Mauro Supil Jr. ang nagbigay ng award sa top three finishers sa event na layuning makatuklas ng bagong talento sa grass-roots level, pagkakaroon ng camaraderie sa mga chess player at makaiwas sa masasamang bisyo bagkus makapag focus sa larong sports ng chess. Si 1999 Asian Inter-Collegiate co-champion National Master (NM) Romeo Alcodia at 8-years-old Angelo Gabriel Benipayo ang naging panauhing pandangal ng nasabing chessfest.
 
Ang mga nakapasok sa Top 10 ay sina 4th place Orlando Malong, 5th place Dante Bajaro, 6th place Dioniver "Bobot" Medrano, 7th place Rodrigo Dantes, 8th place Damron Pangsar, 9th place Jun Baun at 10th place Jerome Alcodia.
-  Marlon Bernardino-