Ompod kampeon sa Lipa Chessfest

Ompod kampeon sa Lipa Chessfest

Ompod kampeon sa Lipa Chessfest

Ompod kampeon sa Lipa Chessfest

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino

NAGKAMPEON si Raymond Ompod ang katatapos na 2nd edition ng Councilor Camille Lopez chess tournament na ginanap kamakailan sa 2nd floor building 1, Public Market sa Lipa City, Batangas.

Nakalikom si Ompod ng 6.5 puntos para maibulsa ang top prize P2,000 plus trophy sa event na inorganisa ni Alexandro "Allan" Osena, presidente ng Christian-Muslim Chess Association (LCCMCA) sa pakikipagtulungan ni si LBC Express Customer Associate Ryan Lopez Sauz na tumatayong Press Relation Officer (PRO).
"Nagpapasalamat po kami kay Councilor Camille Lopez sa kanyang walang humpay na pagsuporta sa mga kabataan at sa sports lalu na sa chess." sabi ni tournament director Alexandro "Allan" Osena, presidente din ng Golden Mind Chess Club.

Nasikwat naman ni Jan Kino Corpuz ang solong ika-2 puwesto matapos makaipon ng 6.0 puntos para maiuwi ang runner-up place P1,500 plus medal sa event na kaagapay din ang Golden Mind Chess Club na suportado ni Councilor Camille Lopez.

Nasa solong ika-3 puwesto naman si Julius Espinosa na nakaipon ng 5.5 puntos sapat para tangapin ang third prize P1,000 plus medal.
Bumida din si Edwin Macaraeg na may 5.0 puntos ng kunin ang 4th prize P700 plus medal habang hindi din nagpahuli si Mark Anthony Paulo na nakatangap ng 5th prize P500 plus medal.

Nasa ika-6 na puwesto naman ang ipinagmamalaki ng Colegio de San Juan de Letran, Manila na si Alexis Anne Osena na nakapagtala din ng 5.0 puntos sapat para tanghaling Top Lady performer tungo sa P500 plus medal.

Si Eladio Parco na may 5.0 puntos din ang tinanghal naman na Top Senior tungo sa P500 plus medal.
Nakopo naman ni Vincent Ryu Dimayuga ang Top Elementary award na may 5.0 puntos din tungo sa P500 plus medal.
Nakaipon naman si Gabrielle Kane Gonzales ng 3.5 puntos tungo sa Top High School para tangapin ang P500 plus medal.

-Marlon Bernardino-

@@@

Nagpakitang gilas si Colegio de San Juan de Letran, Manila bet Alexis Anne Osena (gitna) na nakapagtala ng 5.0 puntos sapat para tanghaling Top Lady performer tungo sa P500 plus medal sa katatapos na 2nd edition ng Councilor Camille Lopez chess tournament na ginanap kamakailan sa 2nd floor building 1, Public Market sa Lipa City, Batangas. Si Osena ay tumapos din ng academic honor sa senior high school sa Colegio de San Juan de Letran, Manila.

@@@

Nakapagtapos si Alexis Anne Osena (kaliwa) ng academic honor sa senior high school sa Colegio de San Juan de Letran, Manila kung saan kasama ang kanyang amang si Allan Osena (kanan). si Alexis Anne Osena na nakapagtala ng 5.0 puntos sapat para tanghaling Top Lady performer tungo sa P500 plus medal sa katatapos na 2nd edition ng Councilor Camille Lopez chess tournament na ginanap kamakailan sa 2nd floor building 1, Public Market sa Lipa City, Batangas.