So, Shankland, Akobian magkasalo sa unahang puwesto sa US Championship

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MAGKASALO sa unahang puwesto sina Super GM Wesley So (Elo 2786) , Super GM Samuel Shankland (Elo 2671) at Super GM Varuzhan Akobian (Elo 2647) na nakalikom ng tig 3.0 puntos matapos ang Round 4 habang si World Championship Challenger Super GM Fabiano Caruana (Elo 2804) ay nasa solong ika-4 na puwesto na may 2.5 puntos sa patuloy na idinaraos na 2018 US Championship na ginanap sa Saint Louis Chess & Scholastic Chess Club sa St. Louis, Missouri, USA, Linggo ng umaga.

Nauwi sa tabla ang laban ni So kontra kay kay GM Aleksandr Lenderman (Elo 2599) matapos ang 46 moves ng Fianchetto Opening.
Giniba naman ni Shankland si Super GM Ray Robson (Elo 2660) matapos ang 44 moves ng Ruy Lopez Opening.

Tabla din ang naganap sa laban ni Akobian kontra kay Super GM Jeffery Xiong (Elo 2665) matapos ang 48 moves ng Gruenfeld defense.
Samantala natikman naman ni Caruana ang kanyang unang kabiguan kontra kay GM Zviad Izoria (Elo 2599) matapos ang 82 moves ng Giuco Piano Opening.

-Marlon Bernardino-