Alexandra Sydney makikita sa larawang ito ang matinding konsentrasyun para sa susunod na sulong

Alexandra Sydney makikita sa larawang ito ang matinding konsentrasyun para sa susunod na sulong

Alexandra Sydney makikita sa larawang ito ang matinding konsentrasyun para sa susunod na sulong

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Makikita sa larawang ito si Cabuyao, Laguna top player Alexandra Sydney Paez (gawing kanan), Grade 8 Student ng Colegio De San Juan de Letran-Calamba na matindi ang konsentrasyun tungo sa susunod na sulong.

Ang 13-year-old Alexandra Sydney ay anak ni Philippine Executive Chess Association (PECA) Public Relation Officer (PRO) Dr. Alfredo "Fred" Paez ay nakatuon ang pansin ngayon sa pagtulak ng 2018 National Executive & Kiddie Chess Championships sa Abril 7, 2018 (Sabado) na inorganisa ng Philippine Executive Chess Association (PECA) sa magiting na pamumuno ni PECA president Atty.

Cliburn Anthony A. Orbe at gaganapin sa Activity Area, Vista Mall, Santa Rosa, Tagaytay Road, Barangay Don Jose, Sta. Rosa City, Laguna.

Si Alexandra Sydneyay tumapos ng runner-up place sa 2018 National Age-Group Chess Championships (Visayas Leg) na ginanap sa City Mall, Kalibo, Aklan nitong Enero 27-28, 2018. Si Alexandra Sydney na pambato ni Cabuyao City Mayor Mel Gecolea ang nagkampeon din sa 26th Golden Mind Chess Tournament (Under-14) na ginanap sa EBR Building, Tagumpay Canteen, Tagumpay Supermarket, Lipa City, Batangas nitong Pebrero 4, 2018.

Siya ay tumapos ng perfect 7.0 puntos sa pitong laro.