Lalarga na ang pinakahihintay na Barangay San Martin De Porres Chess Festival na tinampukang sportsman Melecio C. Advincula III Chess Cup sa Nobyembre 4, 2017 (Sabado) sa Barangay San Martin De Porres, Barangay Hall, Cubao, Quezon City.
sI Melecio C. Advincula III , kilalang supporter of the youth, na sinabi na ang one day chess event ay idinaos kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Barangay San Martin De Porres na layuning makapag provide ng avenue sa aspiring athletes na ma improve at ma develop ang kanilang skills at talents.
Ipapatupad ang format na Six o Seven Round Swiss System, Depende sa number ng participants.
Nakalaan sa magkakampeon ang P3,000 plus trophy habang sa 2nd place naman ay may nakalaan na P2,000 plus trophy at ang 3rd place naman ay matatangap na P1,000 plus trophy.
Bukas sa lahat ng bonafide resident ng Barangay San Martin de Porres sa Cubao, Quezon City. (Marlon Bernardino)