Suelo-Aquino-Bernardino magsasagawa ng chess simul sa SM Dagupan City

Suelo-Aquino-Bernardino magsasagawa ng chess simul sa SM Dagupan City

Suelo-Aquino-Bernardino magsasagawa ng chess simul sa SM Dagupan City

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus


by Marlon Bernardino
Nakatakdang magsagawa si 1996 Philippine Junior Champion Fide Master Robert Suelo Jr. ng rare chess simultaneous exhibition chess match kasama ang mga piling estudyante at residente ng Pangasinan na gaganapin sa Linggo, Mayo 21 sa SM Dagupan Event Center sa Dagupan City, Pangasinan.


Makakasama ni Suelo ay sina National Master Jose Aquino Jr. at National Master Almario Marlon Bernardino Jr. sa nasabing chess simultaneous exhibition matches na punong abala si San Fabian Chess Club president Atty. Reddy Ceralde Balarbar.


"Kami ay nasasabik. Ang mga mag-aaral ay sabik na makilala at makalaro si FM Robert Suelo Jr. sa nasabing simultaneous chess exhibition matches," sabi ni Atty. Balarbar, na siya ring legal adviser ng Hermano Chess Club.
Sumusuporta sa kaganapan sina sportsman Ernesto Salcedo, G. Cayetano Garcia, G. Allen Garcia, SM Prime Holdings Inc. at Pangasinan Association of Chess Executives and Retirees (PACER).
Idinagdag ni National Arbiter Glenn Hullana Garcia na kabilang sa mga kalahok sa simultaneous chess exhibition ay sina Hannah Aquino, Joash Aquino, Stanley Eclarino, Khamea Hermogino, Althea Echon, Edlyn Jianme Echon Ednave at Ericka Ordizo.


Tutulak din ang 3rd Pangasinan Invitational Executive Chess Cup FIDE 2200 and below rapid tournament ngayon Linggo pagkatapos ng pagtatanghal ng pambihirang sabay-sabay na chess exhibition.
Masisilayan naman sa 3rd Pangasinan Invitational Executive Chess Cup FIDE 2200 and below rapid tournament ay sina Atty. Rodolfo Enrique "Rudy" Rivera, Dr. Fred Paez, G. Robert Racasa at G. Arnel Espiritu sa 1 day rapid event na nag-aalok ng P10,000 cash prize plus trophy sa magka kampeon. Para sa katanungan, makipag-ugnayan sa cellphone number 09666390337.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si 1996 Philippine Junior Champion Fide Master Robert Suelo Jr.