Marticio nakopo ang solong liderato sa U16 Girls Division

Marticio nakopo ang solong liderato sa U16 Girls Division

Marticio nakopo ang solong liderato sa U16 Girls Division

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus


by Marlon Bernardino
TINALO ni Jersey Marticio si Lyn Getubig para makopo ang solong liderato matapos ang three rounds ng Mayor Darel Dexter T. Uy National Age Group Chess Championships Grand Finals U16 Girls division na ginanap sa Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong Miyerkoles.


Matagumpay na naisulong ng Cabuyao City, Laguna bet Marticio ang white pieces para daigin si Getubig mula Tagoloan, Misamis Oriental.
Dahil sa natamong panalo ay nasikwat ni Marticio ang solo lead na may 3.0 points, angat ng kalahating puntos kay Sara Dalagan ng Tagoloan, Misamis Oriental na may 2.5 markers.


"I hope to do well in this event and gain some elo rating points," sabi ng 15 years old Marticio na Grade 10 student ng Pulo National High School, Cabuyao City, Laguna nasa kandili ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez.
Pinayuko din ni Marticio si Daren Dela Cruz ng Dasmariñas City, Cavite sa first round at Nicole Rosales ng Dipolog City, Zamboanga del Norte sa second round.
Nangunguna naman sina Mark Jay Bacojo at Christian Gian Karlo Arca, parehong taga Dasmariñas City, Cavite sa U18 Boys division na may tig 2.5 points .


Nakabuntot naman sina Jeremy Marticio ng Cabuyao City, Laguna, Angele Tenshi Biete ng Las Piñas City, Clark Kaeron Kwan ng Bacoor City, Cavite at Franklin Loyd Andes ng Katipunan, Zamboanga del Norte na may tig 2.0 points.
Ayon kay NCFP CEO GM Jayson O. Gonzales ang magwawagi sa bawat category ang kakatawan sa bansa sa nalalapit na  21st ASEAN + Age Group Chess Championship na iinog sa Hunyo 17 hanggang 27 sa Bangkok, Thailand.-Marlon Bernardino-