1st South Luzon FIDE Rated chess tournament sa Marso 12

1st South Luzon FIDE Rated chess tournament sa Marso 12

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---Nakatakdang idaos ng Philippine Executive Chess Association (PECA) sa pakikipagtulungan ng Laguna Chess Association (LCA) at ng Tabuko Chess Club ang 1st South Luzon FIDE Rated chess tournament sa Marso 12 na gaganapin sa Centro Mall, Cabuyao City, Laguna.


Magsisimula ang 7-round Swiss system competition dakong alas diyes ng umaga na may simple opening ceremony na pangungunahan ni PECA President Dr. Fred Paez.
Maibuulsa ng magkakampeon ang P5,000, habang ang second hanggang fifth placers ay mag-uuwi ng tig P3,000, P2,000, P1,000 at P700, ayon sa pagkakasunod. Habang ang sixth hanggang 10th placers ay tatangap ng tig P500.
May nakalaan din ang organizers na ipamimigay na cash prizes para sa top Executive maging sa top senior (60 years old and above), top junior (18 years old and below), top kiddie (12 years old and below), top lady at top unrated.
Ang manlalaro na FIDE Ratings na 2100 below at active members ng NCFP ay eligible na makakalahok.
Ang registration fee ay P350 on or before March 10 habang P450 ang on site registration.
Limited sa 80 participants.-Marlon Bernardino-