Dasmariñas woodpushers nakatakdang sakupin ang “Kamatyas” chess tournament

Dasmariñas woodpushers nakatakdang sakupin ang “Kamatyas” chess tournament

Dasmariñas woodpushers nakatakdang sakupin ang “Kamatyas” chess tournament

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---Sa pag anunsyo ng 7th Edition Kamatyas FIDE Rated Invitational Rapid Chess Tournament na tinampukang“Pawn Promotion” na tutulak sa Sabado sa SM Sucat, Parañaque kung saan ang talaan ng mga kalahok ay kumpleto na at nagkumpirma na ng kani-kanilang partisipasyon.


Ang ilang serye ng torneong ito ay inorganisa ni International Master Roderick Nava na pinaka sikat na pinoy chess blogger sa bansa sa pakikipagtulungan ni Mr.David Almirol na chess patron at brainchild ng Kamatyas Chess Club.
Kabilang sa mga listahan na kalahok ay ang mga naglalakihang pangalan sa chess sa ating bansa gaya nina Grandmaster Darwin Laylo, International Master Ronald Dableo, International Master Daniel Quizon, International Master Michael Concio Jr., Woman International Master Kylen Joy Mordido, National Master Christian Gian Karlo Arca at National Master Mark Jay Bacojo ng Dasmariñas Chess Academy.
"I am supercharged and well-motivated as I am coming from a very sweet victory from my recent tournament where I got my 2nd GM norm" sabi ni Quizon na pinagmamalaki ng Dasmariñas Chess Academy na nasa gabay nina Rep. Elpidio "Pidi" Barzaga Jr., Mayor Jenny Barzaga at National Coach FIDE Master Roel Abelgas.
Si Quizon ay sariwa pa sa pagkampeon sa prestigious international tournament AQ Prime ASEAN Invitational ASEAN Chess Championship 2023 na nagbigay daan sa kanya ng pagkopo ng 2nd out-of-the-three GM norms requirement para mapalapit sa susunod na grandmaster ng bansa. Para sa karagdagang atraksiyon ay malaking tulong ang presensiya ni TV actor Mr. Jao Mapa na masisilayan sa kauna-unahang pagkakataon na maglalaro ng chess games sa isang bigating Open chess tournament at inaasahang magdudulot ng magandang imahe sa Philippine Chess.-Marlon Bernardino-