FEU, UST ginapos ang top spot

FEU, UST ginapos ang top spot

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
UAAP Season 85 Boys Chess 
 
Itinali ng Far Eastern University-Diliman at University of Sto.  Tomas ang magkahiwalay na 3.5-0.5 na panalo sa Round 3 para somosyo sa top spot ng UAAP Season 85 Boys' Chess Championships sa FEU Tech Gym sa Manila
 
Pinagpag ng FEU-D ang Ateneo High School habang tinalo ng UST ang De La Salle - Zobel para tumaas ang kanilang season total sa 6 na puntos.
 
Si Franklin Loyd Andes ng FEU-D(Board 2) ay nagpakita ng galing sa taktakan gamit ang mga puting piyesa para umangat sa tuktok pagkatapos ng 39 moves ng Petrov Defense laban kay Raiz Ryann Roxas.
 
Naghatid din ng isang panalo si  Christian Marcelo Olaybal  sa top board matapos ang swabeng maiposisyon  ang isang bishop at pawn endgame, daan para mapilitang sumurender si Liam Uriel Batnag ng ADMU pagkatapos ng ika-44 na sulong habang si Cyrus James Damiray ay agad kumilos kay Gian Alingog, kinuha ang panalo gamit ang  puting piyesa sa loob lang ng 31 moves  ng Sicilian Defense.
 
Nakumpleto ni Lemmuel Jay Adena ang laban ng FEU nang may tabla sa Board 3.
 
Para sa UST, si Karlycris Clarito Jr. ang nakakuha ng spotlight matapos ikomando ang isang 22-move mate kay Paolo Miguel De Vera ng DLSZ sa Board 1.
 
Sinundan ni Francis Apollo Magpily ang isang 37-move mate sa Board 3 habang si Ronald Dableo II ay iniwan si Nathan Joseph Navarro na walang pagpipilian kundi ang magbitiw pagkatapos ng 30 sulong ng London System sa kagandahang-loob ng isang hindi mapigilang promosyon ng pawn.
 
FEU, UST ginapos ang top spot
 
Standings:
UST - 6 pts
FEU-D - 6 pts
AdU - 5.5 pts
Ateneo - 5.5 pts
DLSZ - 1 pt
 
Hinati naman ni Emcel Jules Gadut ang puntos kay Tyrhhone James Tabernilla ng DLSZ sa Board 2 para isara ang dominanteng panalo ng UST. (Louis Pangilinan/UAAP)