Defending Champion Laguna Heroes tumulak ng magkasunod na panalo

Defending Champion Laguna Heroes tumulak ng magkasunod na panalo

Defending Champion Laguna Heroes tumulak ng magkasunod na panalo

Defending Champion Laguna Heroes tumulak ng magkasunod na panalo

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Ipinamalas ang husay sa ibabaw ng 64 square board kung saan ay tumulak ng magkasunod na panalo ang Laguna Heroes sa 2nd season ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) All Filipino Conference online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform Sabado ng gabi, Pebrero 26, 2022.


Giniba ng defending champion Laguna ang Cagayan De Oro-Misamis Oriental Chess Association , 12-9 at naka ligtas sa kamay ng Camarines Soaring Eagle, 12-9.


Suportado ng KALARO, Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic at ng Rotary Club of Nuvali ay nasa 3rd place ang Laguna sa Northern Division na may 17 wins at four loses.


Kontra sa Camarines Soaring Eagle, ang foursome na sina Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr. (Board 1), Fide Master Austin Jacob Literatus (Board 2), International Master Angelo Young (Board 4) at Richie Jocson (Board 6) ang nanguna sa Laguna tungo sa 5-2 win sa blitz contest.


Si Barcenilla na two-time Asian Junior Champion ay tinalo si International Master Idelfonso Datu sa 53 moves of King's Indian Defense, binigo ni Literatus si Walt Allen Talan sa 37 moves ng Benko Gambit Opening, nakaungos si Young kontra kay National Master Carlo Lorena sa 34 moves ng Double Finachetto Opening at kinaldag ni Jocson si Coelleir Graspela sa 53 moves ng Ruy Lopez Opening. Tabla naman si Board 3 Michella Concio kontra kay Virgenie Ruaya habang hati din sa puntos si Board 5 Vince Angelo Medina kontra kay National Master Ronald Llavanes.


Naitala naman ni Board 7 Virgen Gil Ruaya ang buong puntos para sa Camarines matapos mamayani kay Apollo Agapay.
Ang rapid game sa pagitan ng Laguna at Camarines ay nauwi sa 7-all deadlock.


"We got a hard-earned victory against Cagayan de Oro and Camarines. It was another lucky win. I am happy that GM Banjo Barcenilla, FM AJ Literatus, IM Angelo Young and Richie Jocson delivered the needed points, " sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO, Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice at Engr. Jonathan Mamaril ng Oregon, USA.


"I'm happy and honored to play for the Laguna heroes. Its always a great feeling winning my games ,but what is greater is the team winning the match," dagdag naman ni Young na 8-time Illinois USA Champion.


Nanatili naman lider sa Northern Division ang Pasig City Kings Pirates (20-1) gayundin ang Iloilo Kisela Knights (19-2) na nangunguna sa Southern Division.


Ang PCAP, ang country’s first at only play-for-pay chess league, ay nasa magiting na pamumuno nina Atty. Paul Elauria bilang President-Commissioner; Michael Angelo Ong Chua bilang Chairman; Dr. Ariel Potot bilang Vice Chairman at Atty. Arnel Batungbakal bilang Treasurer.


Ang torneong ito ay sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB) sa gabay ni Chairman Abraham “Baham” Mitra na suportado ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) nasa kandili ni Chairman/President Prospero “Butch” Pichay Jr. -Marlon Bernardino-

Makikita sa larawang ito si International Master Angelo Young na 8-time Illinois USA Champion. (Photo credit kay Angelo Young)
Makikita sa larawang ito si Fide Master Austin Jacob Literatus (Photo credit kay Austin Jacob Literatus )