Cordova pasok sa semis ng Wesley So Cup chess tilt

Cordova pasok sa semis ng Wesley So Cup chess tilt

Cordova pasok sa semis ng Wesley So Cup chess tilt

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA, Philippines---Giniba ng defending champion Laguna Heroes at Southern Division top notcher Cordova Dagami Warrios ang kani-kanilang katungali para matagumpay na nakapasok sa semifinals ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) na tinampukang GM Wesley So Cup Miyerkoles, Hulyo 21, via chess.com.


Ang Heroes na suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic, KALARO at ng Rotary Club of Nuvali ay tinalo ang Pasig City Kings Pirates , 12-9 at 17.5-3.5 sa magkasunod na set sa Northern Division, habang winasiwas naman ng Cordova ang Surigao Fianchetto Checkmates, 13.5-7.5 at 14-7, sa Southern Division.


"I am happy because we have won the match. We will prepare for this week's semi-final match," sabi ni Dr. Fred Paez na isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO, Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice at Engr. Jonathan Mamaril ng Oregon, USA.
Ang panalo ay naghatid sa Laguna sa semis duel sa Manila Indios Bravos na naka survived sa  Armageddon match sa Isabela Knight Raiders, 3-0.
Ang iba pang semis pairing sa Northern Division ay ang San Juan Predators at Antipolo Cobras na nag marka din ng magkahiwalay na panalo.


Dinomina ng San Juan ang Cavite Spartans, 12-9 at 18-3, habang nakalusot ang Antipolo sa Armageddon duel sa Caloocan Loadmanna Knights, 2-1,  matapos nag split sa first two sets, 16-5 at 9.5-11.5.


Suportado ni Atty. Ariel Potot, ang Cordova ay may semis match sa Negros Kingsmen na angat sa Zamboanga Sultans, 13.5-7.5 at 12-9.
Bida din ang Camarines Soaring Eagle na dinaig ang Mindoro Tamaraws, 14.5-6.5 at 17.5-3.5, para makatapat ang Iloilo Kisela Knights na panalo sa Toledo City Trojans, 15-6 at 15-6, para sa isa pang Final Four pairing.


Ang semifinals ay naka scheduled sa Sabado,Hulyo 24, habang ang Division finals sa Hulyo 28. Ang Grand Finals ay sa Hulyo 31.
"Matches are played in one blitz and one rapid formats composed of seven boards each." sabi ni Atty. Ariel Potot, Vice Chairman ng PCAP.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito ang Defending Champion Laguna Heroes sa gabay ni Team Owner Dr. Fred Paez na nag courtesy call kay Laguna governor Ramil Laurel Hernandez nitong Hulyo 20.