OJ Reyes nagsimula ng mag Chess Training

OJ Reyes nagsimula ng mag Chess Training

OJ Reyes nagsimula ng mag Chess Training

OJ Reyes nagsimula ng mag Chess Training

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sinimulan na ang marubdob na pagsasanay ni PH chess prodigy Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes sa kanyang hometown Dila-Dila, Santa Rita, Pampanga.


Humigit-kumulang 50 hanggang 100 puzzles kada araw ang ginagawa ni Oj hindi pa kasam ang 2 hanggang 4 hours chess lesson at paglalaro ng online chess games gaya ng match up series na inaasahang dodoble pa sa susunod na mga araw.
Masisilayan si OJ sa semifinals ng National Age Group Chess Championships maging sa National Youth & School Championships ngayon buwan ng Mayo ayon kay Jubail, Kingdom of Saudia Arabia based Jimmy Reyes, father at coach ni OJ.
Ang 9 years old Reyes na grade 4 student ng EZEE, Guagua, Pampanga ay winning streak sa online chess tournament.
Kilala sa tawag na OJ sa chess world, kabilang sa kanyang latest achievements ang pagkampeon sa 2021 National Youth & School Championship, Visayas leg Qualifying Under 15, ang 2021 National Youth & School Championship, North Luzon leg qualifying Under 13 at maging ang 2021 GM Eugene Torre Search for Kiddies Grand Master.
Nitong nakaraang taon ay si Reyes ay naglaan ng oras para malaman ang methods ng pagtuturo ng magkapatid na Dale at Darry Bernardo.
Panalo din nakaraang taon si OJ sa 2nd leg Worldwide under 12 East Division , Front Wheel Singapore under 12 Chess Arena, 19th Rising Phoenix 14 under, ESMI Online blitz age group chess Qualifying at 6-times champion ng BCA online kiddies tournament.-Marlon Bernardino-
Kuha sa litrato bago mag pandemic, mula kaliwa Mr. Jimmy Reyes (Father), PH chess prodigy Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes at Mrs. Jasmine Constantino Reyes (Mother).