Hindi inalinta ang masamang pakiramdam dahil sa Covid Vaccine Injection ay nagawa pa din ni two-time Asian Junior Champion Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr.
na pangunahan ang Laguna Heroes team sa tagumpay sa All Filipino Conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) matapos talunin ang Quezon City Simba's Tribe sa night’s main event 19-2, sa battle ng Northern Division Miyerkoles (Pebrero 3, 2021) sa online tournament sa lichess platform.
Ginapi ni Arizona, USA based Barcenilla si Singapore based Fide Master Arlan Cabe matapos ang 37 moves ng Ponziani Opening sa blitz portion at sa 62 pushes ng Petroff Defense sa rapid play sa top board para ma secure ng Heroes ninth victory kontra sa two loses.
"I've been so pleased with the spirit and attitude. GM (Rogelio Barcenilla) Banjo played with slight fever after having Covid Vaccine Injection." sabi ni Team Owner-Playing Coach Arena Grandmaster Dr. Alfredo "Fred" Paez.
Panalo din sina Fide Master Austin Jacob Literatus, Woman National Master Karen Enriquez, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Grandmaster John Paul Gomez, Vince Angelo Medina at Kimuel Aaron Lorenzo kontra sa Simba's Tribe woodpushers sa rapid format.
Pinayuko ni Literatus si National Master Carlos Edgardo Garma sa board 2, namayani si Enriquez kay Michaela Concio sa board 3, nakaungos si Bagamasbad kay Danilo Ponay sa board 4, ginupo ni Gomez si Erwin Calar sa board 5, diniskaril ni Medina si Benjamin Lising sa board 6 at kinaldag ni Lorenzo si Joseph Navarro sa board 7 tungo sa shut-out win ng Heroes sa rapid format.
Bukod tanging sina Lising at Navarro at naka iskor sa Simba's Tribe matapos talunin sina Medina at Lorenzo sa kanilang blitz encounter.
Una dito ay nanaig si GM Barcenilla kay International Master John Marvin Miciano, 2.5-0.5, para gabayan ang Heroes sa, 11.5-9.5, na tagumpay sa Manila Indios Bravos.
Miyembro din ng Heroes ay sina Candidate Master Arjie Bayangat (Player), Engineer Jonathan Mamaril (Team Owner/Consultant), Mr. Benjamin Dy (Team Owner/Consultant at Mr. David Nithyananthan (Team Owner/Manager).
Nanaisin ng Laguna Heroes na maipagpatuloy ang kanilang winning streak Sabado ng gabi (Pebrero 6, 2021) na makahaharap ang Cebu at Cordova.
Magsisimula ang laro sa ganap na 7PM kung saan una munang makakalaban ng Heroes ang City Machers at susunod ang Dutchess Dagami Warrios ganap na 8:20PM.
Ang torneong ito ay sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB) sa gabay ni Chairman Abraham “Baham” Mitra at suportado ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Rep. Prospero "Butch" Pichay Jr.-Marlon Bernardino-
Isang file photo bago maganap ang pandemic ito ay sina United States based Grandmasters Julio Catalino Sadorra, Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr. at Wesley So
Note: Si Mr. Barcenilla ay isang frontliner sa United States.