McGregor kontra Pacquiao, paknapak! 

McGregor kontra Pacquiao, paknapak! 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Inihayag ni UFC star Conor McGregor nitong Biyernes sa  Twitter na ang kanyang susunod na laban ay kontra  boxing star Manny Pacquiao sa Gitnang Silangan,  at kinumpirma rin ito ng kanyang manager na si Audie Attar sa  ESPN at ang magkabilang  kampo ay nag- uusap na. 
 
Bagamat ani  Attar ang deal ay hindi pa plantsado, ang Pacquiao vs. McGregor odds ay nairelis na ng isang online sports book.
 
Ayon kay  Bovada, si Pacquiao ay -450 favorite, ibig sabihin ang pusta mong  $450 ay mananalo ng  $100, habang si McGregor ay +325 (earn $325 on a $100 bet). 
 
Ang dahilan ng naturang pustahan ay katawatawa: si Pacquiao ay isa sa pinakamagaling na  boksingero sa nakalipas na  20 taon, at kahit na  41 anyos na hindi nasasalaming makakasabak ngayong 2020, ay galing sa napaka-impresibong panalo kontra  Keith Thurman.(LP)