Pacman target si Crawford hindi si McGregor.

Pacman target si Crawford hindi si McGregor.

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Inangkla ni Top Rank big boss Bob Arum sa media nitong nakataang Hunyo na mas interesado umano si Pambansang Kamao/eight-division world champion Manny Pacquiao na makasagupa si undefeated Terence Crawford (36-0 record with 27 knockouts) ngayong taon o kaya'y sa kaagahan ng 2021 sa labas ng Estados Unidos. 
 
Ayon kay Arum gusto nilang idaos ang laban sa  Macau o kaya'y saan mang lugar sa Gitnang Silangan. 
 
Sa ngayon kimplikado pa ang negosasyon sa Pacquiao-Crawford fight. 
Si Pacquiao ay under contract ng Premier Boxing Champions ni Al Haymon habang ang American boxer ay sa Top Rank Promotions. 
 
Bantulot namang magbigay ng komento si MP Promotions President Sean Gibbons hinggil sa  posibleng laban kontra kina McGregor o Crawford. Maging si UFC President Dana White ay nagsabi sa Barstool Sports nitong  August 4 na hindi nila gaanong pinapahalagahan ang cryptic tweet ni McGregor. Kanya ring ipinaliwanag na kinokonsidera nilang retiro na si  McGregor mula June 6 at walang plano sa kanya ngayong taon.  (LP)