5 Philippine Boxing Championship title pag-aagawan

5 Philippine Boxing Championship title pag-aagawan

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
  • Boxing 
 
Agad na tumugon ang mga manager, matchmaker at promoter sa panagawan ng Games and Amusement Board (GAB) na mapununan – sa lalong madaling panahon – ang limang bakanteng Philippine championship titles .
Pag-aagawan nina Ar-ar Andales ng Cavite City at Joel Lino ng Davao City sa 12-round match ang bakanteng minimum-weight title sa   Nobyembre 15 sa Mindoro City, habang magtutuos sa 12-round fight sina Chris Paulino ng Rizal at Wilbert Berondo ng Parañaque City  sa December 14 para sa bakanteng Super-Flyweight Championship sa The Flash Ballroom, Elorde Sports Center, Sucat, Parañaque City; at nakataya ang bakanteng super featherweight title sa pagitan nina Al Toyogon ng Misamis Oriental at Marbon Bodiongan ng Lipa City.
Samantalan, binawi kay Genesis Libranza ang kanyang flyweight title bunsod ng kabiguan na maidepensa ang korona sa takdang panahon matapos masungkit ang tagumpay. Batay sa Article 20 ng Amended Manual Governing Professional Boxing in the Philippines,  nakasaad na kailangan madepensahan ng kampeon ang titulo sa loob ng anim na buwan. Nakamit ni Libranza ang titulo noong Oktubre 14 ng nakalipas na taon.
Ipinahayag nina GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, at Commissioner Mar Masanguid at Ed Trinidad ang pasasalamat sa naging tugon ng boxing promoters na gawin ang Philippine Championship upang maiwasan ang malaking kakulangan sa boxing rating.
Sa pinakabagong GAB ranking , lima ang kasalukuyang kampeon Giovanni Escaner of Paranaque City as the Philippine (GAB) Bantamweight (118 lbs) Champion, Mark Anthony Geraldo of Valencia City, Bukidnon as Philippine (GAB) Super- Bantamweight (122 lbs) Champion, , Roldan Aldea of Kabankalan City, Negros Occidental as Philippine (GAB) Lightweight (135 lbs) Champion,; Jheritz Chavez of San Pedro, Laguna as the Philippine (GAB) Super Lightweight (140 lbs) Champion, and Jayar Inson of Davao City as the Philippine (GAB) Welterweight (147 lbs) Champion.PR