DAY 2 ng kanyang training sa Los Angeles : “This is the biggest test of my career”

DAY 2 ng kanyang training sa Los Angeles : “This is the biggest test of my career”

DAY 2 ng kanyang training sa Los Angeles : “This is the biggest test of my career”

Higit pang puspusan ang ginagawang pag-eensayo ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa kanyang pay-per-view main event kontra Keith Thurman sa July 20. Ang 40-year-old veteran ay lubos na ang paghahanda para sa naturang laban na magaganap sa Las Vegas.

Alam ni Pacquiao na matagal nang nawala ang kanyang ibayong lakad kung kaya't higit na matindi ang laban niya kay Thurman.

Sampung taon ang tanda ni Manny kay Thurman kung kaya't nasa una ang bentahe ng salpukan.

Ang dalawa ay sasabak para sa WBA Welterweight Title at malaking bagay ito para sa dalawa. Si Manny Pacquiao, na kupas na ang kanyang power nung kabataan, ay maari nang matulog ng mahimbing kapag siya ay natalo dahil na rin sa pagkakaroon ng magarbong rekord.

"I like being an underdog in this fight. It is nothing new and it is fun. I have been an underdog my entire life,” litanya ni Pacquiao.

Sa kanyang routine, kabilang sa training ni Pacquiao sa Los Angeles ang pagtakbo sa umaga sa Pan Pacific Park o Griffith Park. Sa hapon, ito'y mahabang oras na paglalagi sa sikat na Wild Card Gym ni Freddie Roach sa Hollywood.

Hindi naman ikinakaila ni Pacquiao ang lantay na katotohanan. Alam niyang dadaan siya sa butas ng karayom para gibain ang isang gaya ni Thurman kaysa kay Adrien Broner o Lucas Matthysse na impresibo niyang ginapi.

Si Thurman ay may unbeaten record mula sa 30 fights at Welterweight Champion buhat 2015. Kung pagbabasehan ang stats pumapabor ang tayaan kay Thurman.

"Pacquiao wants a challenge, and I'm very grateful to be sharing a ring with a legend," sinabi rin Thurman sa presser. "If you understand boxing history, you know that times change. I believe boxing is in a new era. Come July 20, Pacquiao will disappear. He'll always be remembered in the sport, but I'm doing to Manny Pacquiao, what he did to Oscar De La Hoya."

Aakyat si Pacquiao sa lugar na 15 beses na niyang sinabakan, habang si Thurman ay lalaban dito ng panglimang beses. Sa pustahan, si Keith Thurman ay -150 favorite, ibig sabhin lang na kailangan mo ng pustang $150 para manalo ng $100. Samantalang si Pacquiao +133 underdog, na ang $100 mo ay tatama ng $133. ( Louis Pangilinan)