Pacquiao balik Amerika

Pacquiao balik Amerika

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Nangangamba ang dating promoter ni Manny Pacquiao na si Bob Arum ng Top Rank ang posibleng dadanas ng brain damage kung patuloy siyang sasabak sa ibabaw ng ring sa kabila ng kanyang edad.

Si Pacquiao (61-7-3, 39 KOs) ay may nakatakdang matinding laban sa susunod na buwan kontra WBA Super World welterweight champion Keith ‘One Time’ Thurman(29-0, 22 KOs) sa July 20 sa FOX Sports Pay-Pay-Per-View sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Umalis si Pacquiao patungong Estadps Unidos noong Sabado ng gabi , June 15, at masaya sa natamong accomplishment sa pag eensayo sa loob ng halos isang buwan.

Ani Pacquiao, masaya siya sa resulta ng kanyang 3-week camp, na pinangunahan ng kanyang trainer na si Buboy Fernandez at conditioning coach Justin Fortun sa Elorde Gym.

Sa katunayan, pokus ang 8-division world champion sa huling yugto ng preparasyon para sa kanyang World Boxing Association welterweight crown showdown kay unbeaten American Keith Thurman araw ng Sabado, July 20 (Linggo,July 21, Philippine time) sa MGM Grand sa Las Vegas.

Manunuluyan ang Team Pacquiao sa Los Angeles, kung saan kasama si Freddie Roach sa coaching staff sa kanyang Wild Card Gym sa Hollywood, para sa susunod na apat linggo.

"We’ll just continue what we started," ani Fernandez sa wikang Filipino. "We’re all very happy with the focus and determination the Senator (Pacquiao) showed throughout."

Batay sa kanyang pag analisa, sa pag-spar ni Pacquiao kay Filipino Jestoni Autida at unbeaten French Jaber Ziyane sa loob ng tig-apat na rounds, sinabi ni Fernandez ang 12-time world champion ay "80%" na handa para sa pay-per-view unification title duel. Nasa sparring rotation din si unbeaten Australian Tim Tszyu.

Si International matchmaker Sean Gibbons, na namuno ng MP Promotions, ay hinayag na ready na si Pacquiao sa kanyang “final push” sa training camp.

Sinabi ng Gibbons na si Arnold Gonzalez, na tumulong kay Pacquiao sa paghahanda ng laban kay Adrien Broner, ay kabilang din bilang sparring partner. Kasama ni Gonzalez sina Abraham Lopez at Tomas Rojas.

"We’ll see what happens from there," palatak ni Gibbons, na naniniwalang si Pacquiao ay nasa perpektong kondisyon para patumbahin si Thurman sa 10th round. (Louis Pangilinan)

Email Louis Pangilinan at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. and follow him on Twitter, @sportsmanila1.