Pacquiao wagi; Crawford at Spence Jr. humanda na

Pacquiao wagi; Crawford at Spence Jr. humanda na

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
Ngayon pa lang dapat ay maghanda sina Americans World Boxing Council/World Boxing Association/International Boxing Federation welterweight champion Errol Spence Jr. at World Boxing Organization welter king Terrence Crawford sa posibleng napipintong laban nila kay dating eight division world men’s pro boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao Sr.


Ito'y matapos manalo si Pacquiao via unanimous decision laban kontra kay Korean mixed martial arts fighter DK Yoo sa tinampukang ‘Pacman vs DK exhibition boxing match na ginanap sa Korea International Exhibition Center sa Ilsanseo-gu, Goyang City, Gyeonggi Province, South Korea nitong Linggo.
“Of course, I can fight Crawford,” sambit ni Pacquiao sa FightHype bago sumampa ng lona. “I can fight Terence Crawford or Spence.


Nakakitaan ng husay ang pambansang kamao sa Round 5 matapos iwanan ang koreanong nakatunggali na nakakasabay pa sa naunang apat na round.
Sa Round 6 ay pinabagsak ni Pacquiao si Yoo pero nagawa pa din ng huli makatayo.
Sa ngayon todo selebrasyon naman ang Team Pacquiao dahil sa natamong tagumpay ng Pinoy boxer.


Si Pacquiao na tutungong na 44 anyos sa Disyembre 17 ay abala din sa pag host ng Maharlika Pilipinas Chess League (MPCL) Manny Pacquiao International Open Chess Festival simula ngayon Dis. 13 hanggang 17 sa Family Country Hotel sa General Santos City na susundan naman ng Team event sa Dis. 18-19.
“It’s nice to be back in the ring especially in this charity exhibition match and I’m going to continue my training to be back in shape,” sabi pa ni Pacquiao na may professional record  62 wins, 39 knockouts, eight losses, at two draws.


Ito ang unang laban ni Pacquiao matapos matalo kay Yordenis Ugas na sinundan ng pagreretiro sa ibabaw ng lona.
Sa isang banda ang mga bumubuo ng Maharlika Pilipinas Chess League ay sina IM Hamed Nouri, US Master Rodolfo "Jun" Panopio, Alex Dinoy, Arnel Pinero at Zaldy ng Guadalupe chess club.-Marlon Bernardino-