Bucks nakaisa sa Miami, 1-3

Bucks nakaisa sa Miami, 1-3

Nabigo ang Milwaukee Bucks sa kanilang tatlong asignatura ng Eastern Conference semifinals, tapos nawala pa ang kanilang NBA’s MVP habang tangkang makasalbang malaglag sa eliminasyon.

'Alang problema.
Hindi pa tapos ang Bucks.

Kahit na halos hindi na nakalaro si Giannis Antetokounmpo sa kabuuan ng aksyon sanhi ng bumalikong kanang bukong bukong, papalawigin pa ng Bucks ang kanilang season sa Game 5, Martes.

Umiskor si Khris Middleton ng 21 sa kanyang 36 points sa ikatlong kanto, tapos ang bagwis na 3-pointer may 6.3 seconds ang natitira sa overtime at mahiritan ng Bucks ang Miami Heat 118-115 sa Game 4 ng kanilang serye, Linggo.

“Just keep fighting,” bulalas ni Middleton, na kumalawit din ng walong rebounds at walong assists. “That’s all my teammates did.”

Angat pa rin ang Miami sa series 3-1 pero siguradong pagbubuhusan ang susunod na dalawang araw kung paano sila nalusutan. Isinuko ng Heat ang kanilang 12 straight points sa final period, Linggo, natapon ang walong puntos na ungos sa pagtatapos ng laro.

Kumatas si Bam Adebayo ng 26 points, 12 rebounds at eight assists para sa Miami. Umiskor si Duncan Robinson ng 20 points, Jae Crowder ay 18 at Goran Dragic at Jimmy Butler ay may tig -7 para sa Heat.

Humakot si Antetokounmpo ng 19 points para sa Bucks sa loob lang ng 11 minuto, habang si Brook Lopez at George Hill ay may tig- 14 para sa Milwaukee.

Nailatag lang ng Miami ang dalawang puntos sa unang 4:30 ng overtime, nakuha ang isa mula sa 3-pointer kay Tyler Herro, ngunit naideliber ni Middleton ang pinakamalaking tira ng gabi para ilista ang 116-112.

Kumaldag si Herro ng panibagong 3-pointer may 3.0 seconds left, pero sinelyuhan ni Middleton ang pares na free throws.