Bucks sa bingit ng hukay; Heat target ang historic sweep

Bucks sa bingit ng hukay; Heat target ang historic sweep

Bucks sa bingit ng hukay; Heat target ang historic sweep

Ang mga tropang tulad sa kalibre ng  Milwaukee Bucks ay hindi pa nasi-zero sa NBA playoffs.
 
Ito'y posibleng magbago ngayong Linggo (Lunes sa Manila).
 
Nasa hukay ngayon ng eliminasyon ang Milwaukee na kailangang akyatin ang matarik na 3-0 ng  Miami Heat sa kanilang Eastern Conference semifinal series. Pwede nang ikandado ng Heat — at makalikha ng bahagyang kasaysayan - na hangad na wakasan ang kanilang ikalawang magkasunod na pagwalis dito sa playoffs.
 
“The job ain’t done yet,” bulalas ni Miami’s Jimmy Butler.
 
Ang Bucks ang  No. 1 seed sa East; ang  No. 1 seed sa Western Conference, ang Los Angeles Lakers, ay nasa masalimuot na hinaharap, bagamat ang sitwasyong nakatuong kagaya ng sa  Milwaukee sa ngayon. 
 
Laglag ang  Lakers sa Game 1 ng kanilang  West semifinal series sa Houston 112-97 Biyernes, kung saan nakatakda ang Game 2 ngayong Linggo ng gabi.
 
It’s only one game. ... Got to get ready for Game 2,” wika ni Rockets guard James Harden . “We’ll have to be even better in Game 2.”
 
Kailangang agresibo ang Bucks sa Game 4, kung ayaw nilang mapag-iwanan. 
 
Nasa kamay na nila ang Game 3 nung Biyernes na tumibag ng 14 bentahe sa  third quarter at 12 sa simula ng huling kanto. At nang umalagwa si  Butler, kumana ng 17 points sa fourth, na-out scored ng Heat ang Bucks 40-13 sa yugto at wagi ang Miami. 115-100 para ilista ang 3-0 lead.
 
Bago ang Biyernes, ang teams ay dapa ng eksaktong 12 points papunta sa huling yugto ng laro ngayong season ay talo ng 39 sa loob ng 43 beses o 91%. Sa  playoffs, ang tropa ay ungos  ng  12 o higit pang puntos matapos amg tatlong quarters ay 131-1 buhat noong  April 2016.
 
Ngunit hindi natapos ng  Bucks at ngayo'y butas sa 0-3, na wala sa mga NBA team ang matagumpay na nakabalik. 
 
“Might as well make history while you’re doing it, cap off a great season here,” ani Bucks guard George Hill. “It’s the first time in the history of the NBA we’re playing in a bubble. First time that a team can come back down from 3-0. We’ve got to trust each other, continue to believe. The season’s not over.”  (LP/AP)