Iskedyul ng curfew sa Kyusi, Manila - 10 pm hanggang 5 am na

Iskedyul ng curfew sa Kyusi, Manila - 10 pm hanggang 5 am na

Iskedyul ng curfew sa Kyusi, Manila - 10 pm hanggang 5 am na

Iskedyul ng curfew sa Kyusi, Manila - 10 pm hanggang 5 am na

MANILA – Binago na ng Lungsod ng Maynila at Quezon City (QC) ang oras ng kanilang curfew na ipinapatupad.

Magsisimula na ng alas-diyes ng gabi hanggang alas-singko ng umaga ang curfew hours umpisa noong Martes salig sa pinalawig pang general community quarantine sa Kamaynilaan.

Sa ipinalabas na memorandum ni QC Mayor Joy Belmonte noong Lunes, nanatiling exempted sa curfew ang mga indibidwal na may mga trabaho o yaong pauwi na sa kanilang tahanan, emergencies; at ang mga may planong bumiyahe mapasahimpapawid o sea travel.

Dagdag sa memorandum na ang “essential activities, tulad ng ngunit limitado sa merkadong bagsakan, food takeout at delivery, pharmacies, hospitals, convenience stores, at market operations may operate on a 24-hour basis.”

Sa case-to-case basis, ispesipikong barangays sa QC ay puwedeng humiling sa city government para sa awtorisasyong puwedeng ipatupad ang mahigpit na curfew sa kanilang lugar.

Samantala, nag-isyu si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng Executive Order 37, sa muling pag implementa ng curfew sa city of Manila mula 10 p.m. to 5 a.m.

Maaalala, napagkasunduan ng Metro Manila mayors ang magkaparehong curfew hour sa NCR noong August 19 sa ilalim ng GCQ para masugpo ang coronavirus disease pandemic.

"Simula September 1, iaakyat na muli ang curfew sa 10 p.m. to 5 a.m. unless you are an APOR or authorized person outside of residence," ani Domagoso.

Tinukoy din niya na ito'y pangkalahatang curfew para sa mga menor edad na manatili sa bahay.