DOT pinayagan na ang  partial operations ng mga hotel restaurant

DOT pinayagan na ang  partial operations ng mga hotel restaurant

DOT pinayagan na ang  partial operations ng mga hotel restaurant

DOT pinayagan na ang  partial operations ng mga hotel restaurant

May go signal na ng  Department of Tourism (DOT) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases' (IATF-EID) ang rekomendasyon ng  Department of Trade and Industry (DTI) na payagan ang partial dine-in operations ng mga resto sa lokalidad sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
 
Pinaalalahanan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang  mga restaurant sa loob ng mga hotel at iba pang akomodasyong istablisyemento na puwede ng mag-operate ngayon Hunyo 15 (Lunes ) basta't obserbahan lang nila ang istriktong  30-percent seating capacity limit para sa dine-in customers, safety measures at protocols.
 
Ani Puyat, isang composite team na kinabibilangan ng mga miyembro buhat sa DOT, DTI at Department of Labor and Employment (DOLE) ang magsasagawa ng pagsisiyasat para alamin ang panuntunang iniatang sa mga istablisiyemento. 
 
Samantala,  nakipagbalikatan ang  DOT sa DTI at Talino Venture Labs para magbigay ng  digital solutions, free of charge para sa mga DOT-accredited businesses para matulungang maabot ang  technological demands sa bagong  normal.
 
Inampon ng IATF-EID ang  Talino Venture's SafePass, ang Covid -19 prevention at incident management platform para sa lahat ng business establishments.