Kaya naman kahapon , isang araw matapos ang higit isang taong pagpapahinga, muli nang isinuot ni Ravena ang kaniyang Gilas jersey sa pagharap ng koponan kontra Adelaide 36ers para sa huling tune-up game bago lumipad patungong China.
“It’s been a long time, a long way coming. Sobrang ecstatic ko, finally tapos na di ba?”
“That’s just life, you know? Full circle. You just have to be patient,” saad ni Ravena.“You have to believe in yourself talaga and trust the people around you. Excited ako makabalik."
Nasa pagsasanay ng Gilas si Ravena sa mismong araw ng pagtatapos ng kaniyang FIBA suspension at mayroon itong plano para ipagdiwang ang kaniyang pagbabalik.