Matagumpay na nagbalik sa loob ng boxing ring si “Prince” Albert Pagara sa “Pinoy Pride 46: Banggaan sa Ormoc,” na napanood sa ABS-CBN S+A kahapon Huwebes (Agosto 22) ng 12 nn at may replay sa Setyembre 1.
Muling tagumpay ang pagdepensa ni Pagara sa kanyang titulo sa WBO Inter-Continental Super Bantamweight nitong nakaraang Sabado (Agosto 17)sa Ormoc City Superdome sa Leyte, kung saan nagpaulan ng knockout ang iba pang Pilipinong boksingero na sina Jeo Santisima, Jonas “Zorro” Sultan, and Melvin “El Gringo” Jerusalem
Hindi na pinainit ni Pagara ang Thai fighter nang patumbahin niya ito agad gamit ang kanyang right straight. Nakatayo pa si Sawangsoda pero tatlong beses pa ito ulit pinatumba ni Pagara hanggang sa itinigil na ng referee ang laban sa 2:53 na marka ng unang round.