Donaire ni-knockout ang kababayang si Gaballo

Donaire ni-knockout ang kababayang si Gaballo

Donaire ni-knockout ang kababayang si Gaballo

Donaire ni-knockout ang kababayang si Gaballo

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Hindi pinatagal pa ni Pinoy champion Nonito "The Filipino Flash" Donaire ang laban matapos ma-knockout niya ang kababayang si Reymart Gaballo sa fourth round sa bisa ng epektibong suntok sa bodega para tagumpay na midepensa ang kanyang WBC bantamweight title, buwan lang ang nakaraan matapos ipagdiwang ang kanyang ika-39 na kaarawan.

Hindi na kinailangan pang pahirapan ni Donaire ang kanyang sarili sa boksing para selyuhan ang kanyang puwesto sa Hall of Fame, ilan panahon na lang at sakaling mapagdesisyunan na niyang magretiro sa lona.

Nakuha ni Donaire (42-6, 28 KO) ang saktong postura mula kay Gaballo (24-1, 20 KO), kapwa Pinoy na may 14 taong gulang ang agwat sa kanya, na nagpamalas ng punching power at nakapagdistrungka ng ma'wisyong birada.
Pero naidikta ni Donaire ang kanyang signature left hook at kalauna'y kampanteng tumutok sa bodega ni Gaballo para sa isang klarong knockout.

Sinubukan pa ng astig na si Gaballo na burahin ang bilang para bumangon pero tuliro pang pagiwang na tumindig, para tuluyang tapusin ni referee Ray Corona ang mandatory count hanggang 10.